Miyerkules, Agosto 10, 2011

Tangkilikin ang sariling atin( Madaling sabihin “ako’y Pilipino”, ngunit mahirap magpaka Pilipino)

                                           inilathala ni: Precious Pearl T. Juanite


Pilipino ka ba?
            Naman! I’m proud to be pinoy! Kilala kaya ang pinoy! Sa larangan ng musika, teatro, iba’t ibang klase ng sayaw at sa larangan ng sports. Sa tuwing may nananalong kupunan na mula sa Pilipinas, agad tayong nagrereact at nagtataas ng noo ‘pagkat alam natin na kabilang tayo sa lahi ng mga kampyon.

            Oo! Pilipino tayo! Pero totoo nga bang Pilipino ka? Nakakalito ang tanong na’to ‘di ba? haha! Madali lang naman ang sagot diyan eh. Kung ikaw ay tunay na Pilipino, dapat lang na ikaw ay  magpaka Pilipino. ‘Di ka ba nahihiya, kahit man lang sa iyong sarili? Pinoy ka nga ngunit sumasayaw ka ng mga banyagang sayaw! Tulad na lang ng K-Pop. Ang rami nang nagsasayaw nito at ang iba pa nga’y nagsasalita na ng Korean. Haaaaay… kabataan talaga. Dalubhasa na sa pagsasalita ng Korean samantalang nagnonosebleed naman sa sariling wika. Tulad din ng OPM. Ayaw na ayaw ng ibang kumanta ng mga OPM. Baduy daw kasi. Ang gusto nila, ‘yung mga American song kasi astig daw. Pero para sa’kin, sila ang baduy! Gaya gaya lang! May sarili naman tayong klase ng musika, sayaw, stilo ng pagkanta at sariling kultura, pero anong ginawa nila? Nanggagaya pa rin at nakikiapid sa ibang kultura. Kaya nga hanga ako sa mga makatang Pilipino kahit pa ang iba’y pinagtatawanan sila kasi wala daw sa uso. Pero at least, sila’y nagpapaka Pilipino dahil tinatangkilik nila ang wikang Filipino na tunay naman talagang atin. Alam ko sa mga nagbabasa nito iniisip n’yo, I’m old fashioned but still, it’s a fact.

Ikaw, Pilipino ka ba o, nagpipili-pilipinohan lang?


4 (na) komento:

  1. tama sana mabasa 'to lahat ng mga kabataan

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. kahanga-hanga ang iyong nagawa !
    nawa'y mabasa nga ito ng ating mga kamag-aral at ibang Pilipino..
    umaasa akong hindi lng dito sa blog tayo'y magsasalita ng ating wikang Filipino kundi sa lahat ng aspeto ng ating buhay ...

    ipagpatuloy mo lang ang iyong magagandang gwain ! :]]

    TumugonBurahin