Miyerkules, Agosto 10, 2011

“Mahalin ang Kulturang Sariling Atin"


Masakit isipin
Na ngayon sa panahon natin
Kabataan ay nahuhumaling
Sa mga banyagang adhikain

Ang tagapaglitas daw ng Bayan
Ay ang kabataan
Ngunit pa’no mangyayari ito,
Kung ang  umeetsapwera ng sariling  atin ay tayo mismo?

Kilos na kabataan
Bago pa tayo maunahan
Di pa naman huli ang lahat
Dapat lang na sa ating bayan tayo ay maging tapat

Isulong ang wikang Filipino (isulong ang wikang Filipino)
Tangkilikin ang wikang Filipino (tangkilikin ang wikang Filipino)
Ito ay sariling atin
Kaya ito’y ating pagyamanin!

‘Di ko naman sinasbing talikuran na ang mga paborito nating banyagang  kanta
Ang sa akin lang ay isapuso at isaisip ang sarili nating kultura
Kung magagawa natin ito’y ‘di naman tayo makikilala sa buong mundo
Ngunit sa Bayan mo ito na ang simula ng pagbabago

Sa pagiging baduy ko’y alam kong marami na ang natatawa
Kaya idinaan ko na nga lang ito sa kanta
Ngunit sa simple kong kantang ito
Sana’y nabuhay ko ang inyong dugong Pilipino

Awit na Inilatha ni: Precious Pearl T. Juanite



(‘di ko pa ‘to nalapatan ng tono, baka gusto niyong mag-suggest…)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento