Hindi TAGALOG ang pambanasang wika, kundi FILIPINO.
- yeso at pisara
Kayumangging Damdamin
Habang nagkakandarapa sila sa pag iingles, heto ako, nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino.
Miyerkules, Agosto 10, 2011
“Mahalin ang Kulturang Sariling Atin"
Masakit isipin
Na ngayon sa panahon natin
Kabataan ay nahuhumaling
Sa mga banyagang adhikain
Ang tagapaglitas daw ng Bayan
Ay ang kabataan
Ngunit pa’no mangyayari ito,
Kung ang umeetsapwera ng sariling atin ay tayo mismo?
Kilos na kabataan
Bago pa tayo maunahan
Di pa naman huli ang lahat
Dapat lang na sa ating bayan tayo ay maging tapat
Isulong ang wikang Filipino (isulong ang wikang Filipino)
Tangkilikin ang wikang Filipino (tangkilikin ang wikang Filipino)
Ito ay sariling atin
Kaya ito’y ating pagyamanin!
‘Di ko naman sinasbing talikuran na ang mga paborito nating banyagang kanta
Ang sa akin lang ay isapuso at isaisip ang sarili nating kultura
Kung magagawa natin ito’y ‘di naman tayo makikilala sa buong mundo
Ngunit sa Bayan mo ito na ang simula ng pagbabago
Sa pagiging baduy ko’y alam kong marami na ang natatawa
Kaya idinaan ko na nga lang ito sa kanta
Ngunit sa simple kong kantang ito
Sana’y nabuhay ko ang inyong dugong Pilipino
Awit na Inilatha ni: Precious Pearl T. Juanite
(‘di ko pa ‘to nalapatan ng tono, baka gusto niyong mag-suggest…)
Tangkilikin ang sariling atin( Madaling sabihin “ako’y Pilipino”, ngunit mahirap magpaka Pilipino)
inilathala ni: Precious Pearl T. Juanite
Pilipino ka ba?
Naman! I’m proud to be pinoy! Kilala kaya ang pinoy! Sa larangan ng musika, teatro, iba’t ibang klase ng sayaw at sa larangan ng sports. Sa tuwing may nananalong kupunan na mula sa Pilipinas, agad tayong nagrereact at nagtataas ng noo ‘pagkat alam natin na kabilang tayo sa lahi ng mga kampyon.
Oo! Pilipino tayo! Pero totoo nga bang Pilipino ka? Nakakalito ang tanong na’to ‘di ba? haha! Madali lang naman ang sagot diyan eh. Kung ikaw ay tunay na Pilipino, dapat lang na ikaw ay magpaka Pilipino. ‘Di ka ba nahihiya, kahit man lang sa iyong sarili? Pinoy ka nga ngunit sumasayaw ka ng mga banyagang sayaw! Tulad na lang ng K-Pop. Ang rami nang nagsasayaw nito at ang iba pa nga’y nagsasalita na ng Korean. Haaaaay… kabataan talaga. Dalubhasa na sa pagsasalita ng Korean samantalang nagnonosebleed naman sa sariling wika. Tulad din ng OPM. Ayaw na ayaw ng ibang kumanta ng mga OPM. Baduy daw kasi. Ang gusto nila, ‘yung mga American song kasi astig daw. Pero para sa’kin, sila ang baduy! Gaya gaya lang! May sarili naman tayong klase ng musika, sayaw, stilo ng pagkanta at sariling kultura, pero anong ginawa nila? Nanggagaya pa rin at nakikiapid sa ibang kultura. Kaya nga hanga ako sa mga makatang Pilipino kahit pa ang iba’y pinagtatawanan sila kasi wala daw sa uso. Pero at least, sila’y nagpapaka Pilipino dahil tinatangkilik nila ang wikang Filipino na tunay naman talagang atin. Alam ko sa mga nagbabasa nito iniisip n’yo, I’m old fashioned but still, it’s a fact.
Ikaw, Pilipino ka ba o, nagpipili-pilipinohan lang?
Lunes, Agosto 8, 2011
Pagpapahalaga sa Pambansang Wika
"Ang pagmamahal sa sariling wika ay hindi sinasabi, kundi isinasapuso". Hindi ko malilimutan ang mga katagang binitiwan ng aking guro noong ako ay nasa unang baitang ng elementarya. Bata pa lamang ako ay naiintindihan ko na ang kahalagahan ng sariling wika sa katulad kong isang kabataan na sinasabing pag-asa ng ating bansa.
Sa unang banda, ang wika ang tanda na kabilang tayo sa lahing Pilipino. Ito rin ang nag-uugnay sa ating kapwa at sumasalamin ng ating pagkatao. Alam na alam iyan ng mga estudyanteng katulad ko ngunit kulang tayo sa pagpapahalaga at pagsasapuso nito.
Kailan nga ba masasabing isinasapuso natin ito? Sa isang simpleng paggamit sa nasabing salita bilang pagpapahayag ng damdamin ay masasabi na nating pinahahalagahan natin ito. Dapat din nating itong igalang dahil minsa’y ipinaglaban ito ng mga dakilang bayani ng bansa.
Maraming Pilipinong katulad ko ang nangangamba na baka sa susunod na henerasyon ay makaligtaan na at tuluyang mabura ang wikang Filipino dahil mas binibigyang tuon ang pagsasalita ng wikang Ingles. Kaya habang maaga pa, gumawa tayo ng hakbang upang maipaabot sa lahat ng Pilipino na importanteng isapuso ang wikang Filipino at pagyamanin ito. Kaya ikaw kapwa ko, simulan mo na!
-------------------------------------
-------------------------------------
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook
Ika-apat ng Agosto, taong 2011. Ginanap ang pormal na pagbubukas ng buwan ng wika sa aming paaralan (ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL).May temang "Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan".
Sa programang ito, hinikayat ang mga estudyante na gamitin ang ating sariling wika. Isinalaysay ang buod ng kasaysayan ng Wikang Filipino at nagbahagi ng talento ang mga estudyante ng paaralang yaon.
Sa totoo lang, ngayon ko lang talaga naisapuso ang buwan ng wika. Para sa akin lang, masyadong organisado na ngayon ang program. Ngayon, nakikilahok na ang lahat ng mga estudyante at kitang-kita na nag eenjoy ang lahat. Salamat sa mga opisyales ng SAKAFIL na pinangungunahan ni Nilclairdith Feb Abag at naging matagumpay ang pagbubukas nito.
Keep it up ALSCIans. Padayon!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)